Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang pagpapahiram
Ang kahulugan (konsepto) ng pagpapahiram
Ito ay ang pagpapahintulot sa pakikinabang sa isang bagay nang walang kapalit, at tinatawag ito ng ganoon dahil sa kawalan ng bayad nito.
Ang hatol sa pagpapahiram
Ang pagpapahiram ay kasama sa pagtutulungan sa kabutihan at takot sa Allah, at ito ay lehitimo sa Aklat (Qur-ãn), Sunnah, napagkasunduan ng mga pantas sa islam at sa pagbabasi, at ang pakikipagkasundo sa pagpapahiram ay isa sa mga kasunduan na pinahihintulutan at hindi ubligado, kaya maaari itong ipawalang bisa ng bawat isa sa magkabilang panig, at ang pagpapahiram ay isang gawain na pagpapalapit sa Allah na kanais-nais; Dahil sa napapaloob nitong kabutihan, at pagtugon sa mga pangangailangan, at pagdadala ng malasakit at pagmamahal, at natitiyak ito sa pagbitiw ng may-ari nito, at sa pangangailangan ng kumuha nito, at nagaganap sa lahat ng salita na nagpapahiwatig dito.
Ang layunin sa pagsasabatas (pagkalehitimo) ng pagpapahiram
Maaaring mangangailangan ang tao sa pakikinabang sa isang bagay mula sa mga bagay, at hindi niya ito kayang angkinin (o bilhin), at wala rin siyang pera para bayaran ang renta nito, at sa kabila nito ay ang ilang mga tao ay maaaring hindi nila kayang ibigay ang bagay na ito, o ipagkawanggawa sa sinumang nangangailangan nito, kahit gustohin pa niya na pakinabangan ito ng iba ng saglit lang pagkatapos ay ibalik din niya; at ang pagpapahiram ay tutuparin niya iyon sa magkabilang panig.
At isa sa awa ng Allah na kataas-taasan at kapitapitagan Na ipinahintulot niya ang pagpapahiram; bilang tugon sa pangangailangan ng humihiram, habang nakakakuha ng gantimpala ang nagpapahiram, dahil sa kanyang pagbigay ng pakinabang sa kanyang kapatid habang nananatili rin sa kanya ang bagay na pinahiram niya.
Sinabi ng Allah: {Magtulungan kayo sa pagpapakabuti at pangingilag magkasala at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at paglabag} [Al-Mãidah: 2].
At isinalaysay ni Anas bin mãlik -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: Noon nagkaroon ng pangamba o takot ang mga tao sa madinah, kaya humiram ang propeta ﷺ ng kabayo mula kay abi talha na tinatawag na: Al-mandõb (at ang kabayo na ito ay napakabagal tumakbo), at sinakyan niya ito, at nang siya ay makabalik! sinabi niya: "wala kaming nakita na anumang bagay, ang nakita namin ay katulad ng dagat (inihalintulad niya iyong kabayo sa isang dagat dahil sa ganda ng takbo nito at kapanatagan ng sakay nito)". (Al-Bukharie 2627, at Muslim 2307).
Mga kundisyon sa pagkawasto ng pahiram
Mga Haligi ng Pagpahiram
Ubligado na Humiram na pangalagaan niya ang ipinapahiram, at pag-ingat nito, at paggamit nito nang magandang paggamit, at pag-sauli nito ng maayos sa may-ari nito, kapag nasira ang hiniram habang nasa humiram ito nang hindi ginagamit ay pananagutan ito ng humiram, pinabayaan man o hindi, ngunit kung nasira ito sa panggamit na pinahintulutan sa kanya, ay hindi niya ito pananagutan; maliban kung inabuso ng humiram o pinabayaan niya ito, kung gayun pananagutan niya ito.
Ubligado sa humiram na isa-uli ang bagay na hiniram niya pagkatapos ng kanyang pangangailangan dito, at ibalik niya ito ng maayos tulad ng paghiram niya nito, at hindi niya ito pwedeng ihold o pabayaan, dahil kapag ginawa niya iyon; siya ay nagtaksil na nagkasala.
Ang nagpahiram ay may karapatan na kunin ang pinahiram kung kailan niya gusto, basta't hindi ito magdudulot ng pinsala sa humiram, at kung sa pagbawi niya sa pinahiram niya ay magdulot ng pinsala sa humiram ay dapat niyang ipagpaliban hanggang sa mawala ang pinsala; tulad ng nagpahiram ng lupa pagkatapos ay tinaniman ito ng humiram, sagayun ay hindi ito dapat bawiin ng nagpahiram hanggang sa maani ito ng humiram.
Sinabi ng Allah: {Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito at kapag humatol kayo sa pagitan ng mga tao na humatol kayo ayon sa katarungan. Tunay na si Allāh ay kay inam ng ipinangangaral sa inyo! Tunay na si Allāh ay laging Madinigin, Nakakikita} [An-Nisã': 58].