Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Zakat; katotohanan nito at mga layunin nito

Ang Zakat ay ang ikatlong haligi mula sa mga haligi ng Islam. Matututuhan mo sa aralin na ito ang katotohanan nito, mga layunin nito, at ang intinsiyon sa pagsasabatas nito.

  • Pag-alam sa katotohanan ng Zakat (ubligadong kawanggawa).
  • Pag-alam sa mga layunin sa pagsasabatas ng Zakat.
  • Pag-alam sa mga uri ng mga nararapat na tumanggap ng zakat.
  • Ang Zakat (kawanggawa)

    Ang Zakat ay ang ikatlong haligi mula sa mga haligi ng islam, at ito ay isang pinansiyal na obligasyon na ipinataw ng Allah sa mga mayayaman upang maibigay sa mga mahihirap, nangangailangan at iba pang karapat-dapat na mga tao na isang takdang bahagi mula sa mga pera nila (mga mayayaman) upang maalis ang kanilang (mga mahirap) paghihirap.

    Ang mga layunin sa Zakat

    1. Ang pagkahumaling sa pera ay kalikasan ng tao na nagdadala sa kanya upang maging labis na masigasig sa pangangalaga nito at mapanatili ito, kaya ginawa ng Shari'a na obligado ang pagbibigay ng Zakat bilang paglilinis sa sarili mula sa kasamaan ng pagiging kuripot at pagiging maramot, at upang remediyuhan ang pagkahumaling sa mundo at kumapit sa pagkawasak nito. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {Kumuha ka mula sa kanilang mga kayamanan ng kawanggawa na maglilinis sa kanila at magdadalisay sa kanila sa pamamagitan nito}. (At-Tawbah: 103).

    2. Ang pagbibigay ng Zakat ay mapapatunayan sa pamamagitan nito ang pundasyon ng pakikipag-ugnayan at pagpapalagayang-loob, dahil ang kaluluwa ng tao ay natural na magmahal sa sinumang gumawa ng kabutihan sa kanya, at dahil doon ang mga miyembro ng pamayanang Muslim ay namumuhay nang nagmamahalan, magkakaugnay, tulad ng isang matibay na gusali na nagpapatibay sa isa't isa, at nababawasan ang mga insidente ng pagnanakaw, pandurukot at panghoholdap.

    3. Mapatutunayan sa pamamagitan ng zakat ang kahulugan ng pagkaalipin, ang lubos na pagpapakumbaba, at ang ganap na pagsuko sa Allah, ang Panginoon ng mga nilalang, sa oras na inilalabas ng isang mayamang tao ang Zakat ng kanyang kayamanan, siya ay nagpapatupad sa Batas ng Allah, at nagsasakatuparan ng Kanyang utos, at sa paglabas nito, pinasalamatan niya ang tagabiyaya -na kataas-taasan at kapita-pitagan- sa biyayang iyon, at ang Allah ay magbibigay sa kanya ng gantimpala dahil sa pasasalamat na ito {Kung kayo ay nagpasalamat, tiyak na ako ay magdaragdag sa inyo (ng mga biyaya)}. (Ibrahim: 07).

    4. Mapatutunayan sa pamamagitan ng pagpapatupad nito ang konsepto ng panlipunan na kaligtasan, at ang relatibong balanse sa pagitan ng mga grupo ng lipunan, at sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa mga may karapatan nito, hindi mananatili ang kayamanan sa pananalapi na nakasalansan sa mga kamay ng mga grupong pinaghihigpitan mula sa lipunan at minamaliit sa kanila. Ang Allah na Kataas-taasan ay nagsasabi: {Upang hindi maging palipat-lipat ito sa pagitan ng mga mayayaman sa inyo}. (Al-Hash'r: 07).

    Kanino ibinibigay ang Zakat?

    Nilimitahan ng Islam ang mga kategorya ng tao na dapat bigyan ng Zakat. At pinahihintulutan ang isang Muslim na ilagay ito sa isang kategorya o higit pa sa mga kategoryang ito, o ibigay ito sa mga institusyon at organisasyon ng kawanggawa na namamahagi nito sa mga may karapatan nito mula sa mga Muslim, at ang pinakamainam ay ipamahagi ito sa loob ng bansa na tinitirahan ng nagbigay ng zakat.

    Ang mga binibigyan ng zakat (mga uri o klasi ng mga may karapan sa zakat):

    ١
    Ang mga dukha: -maramihan ng isang dukha-, at siya iyong taong walang wala, o mayroon ngunit mas maliit kaysa sa kalahati ng budget na sapat sa kanya sa isang taon.
    ٢
    Ang mga miskin (mahihirap): -maramihan ng isang mahirap-, at siya iyong taong mayroong katumbas ng kalahati sa sapat na budget niya sa isang taon o mas marami pa sa kalahati.
    ٣
    Ang nagtatrabaho sa pagkoleta nito: Sila iyong mga nagtatrabahong manggagawa at mga kolektor kung saan nagpapatulong sa kanila ang imam (o pinuno) para sa pagkolekta ng zakat at pamamahagi nito.
    ٤
    Ang malalapit ang kanilang mga puso (sa islam o mga bagong muslim): sila iyong mga pinunong sinusunod sa kanilang pamayanan kung saan hinahangad na yakapin nila ang islam, o pag-islam ng mga katulad nila, o para palakasin ang kanilang pananampalataya (kung sila ay bagong muslim o muslim ngunit mahina ang pananalig), o para ipagtanggol nila ang mga muslim, o pinangangambahan ang kanilang kasamaan.
    ٥
    At sa alipin: at ang tinutukoy ay iyong may kasunduan sa kanyang amo, ibig sabihin ay iyong mga alipin na may kasunduan sila ng kanilang mga amo na nagmamay-ari sa kanila na sila ay magbayad ng pera upang maging malaya sila, at maaari itong ibili ng alipin (upang palayain), o ipagpalit ito (ang zakat) sa mga muslim na nabihag ng kalaban.
    ٦
    Ang mga lubog sa utang: sila iyong mga umutang para sa kanilang sarili -sa kundisyon na ang inutang ay pinahihintulutan ng islam hindi bawal- pagkatapos ay hindi na nila kayang bayaran. o sila na umutang upang pag-ayusin ang nag-aaway.
    ٧
    Sa landas ng Allah: at ang tinutukoy dito ay ang mga bulontaryong mga mandirigma sa pakikipaglaban sa landas ng Allah sa pagtatanggol sa islam, at walang maibibigay sa kanila at wala silang suweldo sa pera ng mga muslim.
    ٨
    Ang anak ng daan: siya iyong naglalakbay na naantala ang kanyang biyahe sa ibang bayan na malayo sa kanyang bayan. kaya bibigyan siya ng anumang magpaparating sa kanya sa kanyang patutungohan, sa kundisyo na ang kanyang paglalakbay ay hindi haram (ibig sabihin dapat ang kanyang intensyon sa paglalakbay ay hindi bawal sa islam).

    Sinabi ng Allah na Kataas-taasan bilang pagpapaliwanag tungkol sa mga kategorya ng tao na dapat bigyan ng ubligadong Zakat: {Ang mga Sadaqah (kawanggawa) ay para lamang sa mga dukha, mga mahihirap, mga nagtatrabaho para sa paglikom nito, mga sinasanay ang kanilang mga puso para sa Islam, sa mga alipin at mga nabaon sa utang, sa Landas ng Allah at sa naglalakbay na kinapos ng panggastos sa daan}. (At-Tawbah: 60).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit