Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang kahulugan ng Hajj at ang mga kabutihan nito

Ang Hajj: Ito ay ang pagsamba sa Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan sa pamamagitan ng paglayun sa Makkah sa natatakdaang oras upang isagawa ang mga ritwal ng Hajj. at ito ang ikalimang haligi mula sa mga haligi ng islam. matututunan mo sa aralin na ito ang kahulugan ng hajj at mga kabutihan nito.

  • Ang pag-alam sa kahulugan ng hajj.
  • Ang pag-alam sa mga kondesyon ng pagka-Obligado ng Hajj.
  • Ang pag-alam sa mga kabutihan ng hajj.
  • Ang kahulugan ng Hajj

    Ang Hajj ay ang layunin ng pagtungo sa Sagradong Bahay ng Allah natatanging oras upang isagawa ang mga ritwal, at ito ay mga gawa at mga salita na nagmula sa Propeta ﷺ, tulad ng pagpasok sa kalagayan ng Ihram, pag-ikot sa palibot ng Sagradong Bahay ng pitong beses , paglalakad ng pitong beses sa pagitan ng mga bundok ng Safa at Marwah, pagtigil sa Arafah, pagbabato sa Jamarat sa Mina, at iba pa. At mayroon itong mga malalaking kapakinabangan para sa mga alipin (tao) mula sa pagdedeklara ng Kaisahan sa Allah, dakilang pagpapatawad na ipagkakaloob para sa mga nagsasagawa ng Hajj, pagkikilala sa pagitan ng mga Muslim, pag-aaral sa mga alituntunin ng relihiyon, at iba pa.

    Ang hatol sa Hajj

    Ang Hajj ay ang ikalimang haligi sa mga haligi ng Islam, at ito ay obligado sa bawa't Muslim na lalaki at babae isang beses sa buong buhay kapag siya ay may kakayahan. Sinabi ng Kataas-taasan: {At tungkulin ng sangkatauhan para sa Allah na magsagawa ng Hajj sa Bahay (Ka'bah), sa sinumang may kakayahang maglakbay patungo rito. At sinuman ang nagtakwil, katotohanang ang Allah ay Masagana sa lahat ng nilalang}. (Al-Imran: 97).

    isinalaysay ni abi hurairah -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: nagbigay ng sermon sa amin ang Sugo ng Allah ﷺ, at sinabi niya: "O kayong mga tao, tunay na ginawang Obligado ng Allah sa inyo ang pagha-hajj, kaya maghajj kayo", at sinabi ng isang lalaki: sa bawat taon ba O Sugo ng Allah? tumahimik, hanggang sa inulit niya ito ng tatlong beses, kaya sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "kung sinabi ko lang na: Oo ay tiyak na magiging Obligado ito, at hindi niyo iyon makakaya", (Muslim 1337).

    At dapat sa isang Muslim na magmadali sa pagsasagawa ng Hajj, kapag tiyak nang may kakayahan siya.

    Ang oras ng Hajj

    Ang Hajj ay may mga takdang panahon at lugar:

    Ang mga takdang panahon

    Ang Hajj ay may mga kilalang buwan, hindi matatanggap na pumasok sa kalagayan ng Ihram para sa Hajj maliban sa mga panahon nito; At ang mga ito ay ang: Shawwal, Dhul-Qa'dah at Dhul-Hijjah. Nakatutok ang mga gawain ng Hajj sa pagitan ng ikawalong araw at ikalabintatlong araw sa buwan ng Dhul-Hijjah, at ito ay ang ikalabindalawa na buwan mula sa mga buwang lunar sa kalendaryong Islamiko.

    Ang mga takdang lugar

    At ito ay ang mga lugar na kung saan ay hindi pinahihintulutan para sa isang nagsasagawa ng Hajj o ng Umrah na dumarating mula sa labas nito na lagpasan ito papunta sa Makkah nang walang Ihram; kaya ang Miqat ng mga taga madina ay ang: Dhul-Hulayfah, at ang miqãt ng mga taga shãm (Syria) ay ang: Al-Juhfa, at ang miqãt ng mga taga Najd (probinsiya ng riyadh at sa palibot nito) ay: Ang Qarnul-Manazil, at ang miqãt ng mga taga Yemen ay: Ang Yalamlam, at para sa mga taga Iraq ay: Ang Dhatu Irq, at ang mga Miqat na ito ay para sa kanila, at para sa sinumang dumating sa mga ito na hindi mga taga rito, sa sinumang nais magsagawa ng Hajj o Umrah, at ang mga lugar na ito ay malalaman sa pamamagitan ng mga taong may karanasan, at mga modernong mapa.

    Ang mga kondisyon ng pagiging obligado ng Hajj:

    ١
    Ang Islam (pagkamuslim)
    ٢
    Nasa wastong pag-iisip
    ٣
    Nasa tamang edad
    ٤
    Malaya (hindi alipin)
    ٥
    May kakayahan
    ٦
    Pagkakaroon ng isang babae ng isang Mahram (Isang kamag-anak na lalaki na bawal sa kanya na mapangasawa ito) na makakasama niya sa paglalakbay

    Ang unang kondisyon: Ang Islam (pagiging Muslim)

    Ang Hajj ay obligado para sa isang Muslim, at ito ay hindi obligado para sa isang hindi Muslim, at hindi ito tinatanggap sa kanya, dahil ang Islam (pagkamuslim) ay isang kondisyon upang matanggap ang pagsamba.

    Ang pangalawang kondisyon: Ang kaisipan

    Ang Hajj ay hindi obligado para sa isang baliw at ito ay hindi tinatanggap sa kanya, sapagka't ang isipan ay isang kondisyon sa pagiging obligado at kawastuan, ayon sa nailahad sa isang Hadith na naiulat ni Ali, kalugdan siya ng Allah, mula sa Propeta ﷺ, na nagsabi: "Nakataas ang panulat sa tatlo: Sa natutulog hanggang sa gumising, sa bata hanggang sa nagbibinata o nagdadalaga, at sa baliw hanggang sa tumino." (Abu Dawud 4403).

    Ang pangatlong kondisyon: Ang pagsapit ng wastong edad

    Ang Hajj ay hindi obligado para sa isang batang lalaki, ayon sa nailahad sa isang Hadith na naiulat ni Ali, kalugdan siya ng Allah, mula sa Propeta ﷺ, na nagsabi: "Nakataas ang panulat sa tatlo: Sa natutulog hanggang sa gumising, sa bata hanggang sa nagbibinata o nagdadalaga, at sa baliw hanggang sa tumino." (Abu Dawud: 4403).

    Kung naghajj ang isang bata ay matatanggap ang kanyang hajj, ngunit hindi ito sapat sa kanya para sa hajj ng islam (ang hajj na ubligado sa kanya paglaki niya). Sinabi ng Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Kapag nagsagawa ng Hajj ang isang bata, sa gayon ito ay isang Hajj para sa kanya hanggang siya ay magka-isip, at kapag siya ay nagka-isip, kailangan niyang magsagawa ng isa pang Hajj." (Mustadrak Al-Hakim: 1769).

    Ang pang-apat na kondisyon: Ang kalayaan (hindi alipin)

    Ang isang pag-aaring alipin ay hindi obligado sa kanya na magsagawa ng Hajj, at siya ay pinagpapasensyahan dahil siya ay abala sa paglilingkod sa kanyang amo, at kung nagsagawa ng Hajj ang isang alipin sa pahintulot ng kanyang amo, ang kanyang Hajj ay wasto, nguni't hindi ito sapat sa kanya para sa Hajj ng Islam. Batay sa naitala na iniulat ni Ibn Abbas, kalugdan siya ng Allah, sinabi niya: Ang Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, ay nagsabi: “At sinumang alipin na nagsagawa ng Hajj at pagkatapos ay pinalaya, siya ay dapat magsagawa ng isa pang Hajj.” As-Sunan Al-Kubra ni Al-Bayhaqi (8613).

    Ang ikalimang kondisyon: Ang kakayahan

    Ang Hajj ay obligado para sa malakas na may kakayahan, at ito ay ang sinumang malusog ang pangangatawan, may kaya sa paglalakbay, at nakahanap ng panustos at sasakyan kung saan sa pamamagitan nito ay maaari siyang humayo upang magsagawa ng Hajj. At kabilang sa kakayahan ng isang babae sa pagsasagawa ng Hajj ay ang pagkakaroon ng isang Mahram (malapit na kamag-anak na lalaki) na makakasama niya sa paglalakbay sa Hajj; dahil hindi siya pinahihintulutan na maglakbay para sa Hajj o para sa iba na walang Mahram.

    Sinabi ng Kataas-taasan: {At tungkulin ng sangkatauhan para sa Allah na magsagawa ng Hajj sa Tahanan (Ka'bah), sa sinumang may kakayahan na maglakbay patungo roon}. (Al-Imran: 97).

    At sinuman ang may kakayahan sa kanyang pera, at pisikal na walang kakayahan dahil sa isang sakit na walang pag-asang gumaling, o dahil sa katandaan, kailangan niyang italaga ang isang tao na magsagawa ng Hajj para sa kanya. Sa iniulat ni Al-Fadl bin Abbas na may isang lalaki na nagtanong sa Propeta ﷺ, at sinabi niya: O Sugo ng Allah, ang aking ama ay yumakap sa Islam at siya ay isang matandang lalaki na hindi nakakapanatili sa ibabaw ng kanyang kamelyo, Dapat ba akong magsagawa ng Hajj para sa kanya? Siya (ang propeta ﷺ) ay nagsabi: "Sa palagay mo ba kung siya ay may utang, at binayaran mo ito para sa kanya, ito ba ay sapat na para sa kanya?" Sinabi niya: Oo, siya ay nagsabi: "Kung gayon, magsagawa ka ng Hajj para sa iyong ama." (Musnad Ahmad: 1812).

    Ang mga kalagayan ng kakayahan ng isang Muslim para sa Hajj:

    ١
    Na kaya niyang magsagawa ng Hajj sa sarili niya mismo, ibig sabihin ay kaya niyang maabot ang Tahanan (Ka'bah) sa sarili niya mismo nang walang labis na paghihirap sa pangkaraniwan, at mayroon siyang sapat na pera para doon, kaya dapat siyang magsagawa ng Hajj sa sarili niya mismo.
    ٢
    Na kaya niyang magsagawa sa pamamagitan ng iba, hindi ng kanyang sarili mismo, at ito ay ang sinumang hindi kayang magsagawa ng Hajj sa pamamagitan ng sarili niya mismo dahil sa karamdaman o katandaan, nguni't makakahanap siya ng isang tao na magsagawa ng Hajj para sa kanya bilang kapalit, at kaya niyang gumastos ng pera para sa taong ito upang magsagawa ng Hajj para sa kanya bilang kapalit, kaya dapat siyang gumastos ng pera para sa sinumang magsasagawa ng Hajj para sa kanya bilang kapalit.
    ٣
    Sinuman ang hindi kayang magsagawa ng Hajj sa pamamagitan ng sarili niya mismo o sa ibang tao, samakatuwid hindi siya obligadong magsagawa ng Hajj hangga't wala siyang kakayahan. Tulad ng isang taong walang pera na labis sa kanyang mga pangangailangan at gastusin sa kanyang pamilya na sapat para sa kanya upang magsagawa ng Hajj, at hindi niya kailangang mangolekta ng pera upang makapagsagawa ng Hajj, nguni't sa sandaling nagkaroon siya ng kakayahan, dapat niyang isagawa ang Hajj.

    Ikaanim na kondesyon: Ang pagkakaroon ng mahram (malapit na kamag-anak na lalaki) sa isang babae sa paglalakbay

    Itinatakdang kondisyon para sa pagiging obligado ng Hajj sa isang babae ang pagkakaroon ng isang Mahram (malapit na kamag-anak na lalaki), kaya hindi obligado ang Hajj sa isang babae maliban kung siya ay may kasamang isa sa kanyang mga Mahram, at sila ay: ang kanyang asawa o sinumang ipinagbabawal na mag-asawa sa kanya, tulad ng ama, lolo, anak, apo, mga kapatid at kanilang mga anak, tiyuhin sa ama at tiyuhin sa ina.

    At kung ang isang babae ay nagsagawa ng Hajj nang walang kasamang Mahram sa paraang ligtas para sa kanyang sarili, ang kanyang Hajj ay wasto at sapat na iyon para sa kanya, subali't nagkakasala siya dahil doon.

    Ang mga kabutihan ng Hajj

    Naitala sa Hajj ang maraming kabutihan at magagandang bagay, at kabilang na doon ang:

    1. Na ito ay kabilang sa pinakamabuting mga gawain

    Nang ang Propeta ﷺ, ay tinanong: Aling mga gawa ang pinakamabuti? Sinabi niya: "Ang paniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo." May nagsabi: Pagkatapos ay ano? Sinabi niya: "Ang Jihad (pakikipaglaban) para sa Landas ng Allah." Sinabi: Pagkatapos ay ano? Sinabi niya: "Ang Hajj na katanggap-tanggap." (Al-Bukhari: 1519 – Muslim: 83).

    2- Isang dakilang pagkakataon para sa pagpapatawad

    Sinabi niya ﷺ: "Sinuman ang nagsagawa ng Hajj at hindi nakagawa ng kalaswaan o ng kasuwailan, siya ay babalik tulad ng araw na ipinanganak siya ng kanyang ina." (Al-Bukhari: 1521 – Muslim: 1350), ibig sabihin ay bumalik siya nang walang bahid na mga kasalanan parang kakapanganak lang sa kanya.

    3- Isang malaking pagkakataon para sa pagpapalaya mula sa apoy

    Sinabi ng Sugo ﷺ: "Wala nang araw na humigit pa sa pagpapalaya ng Allah ng isang alipin mula sa Apoy kaysa sa Araw ng Arafah." (Muslim: 1348).

    4. Na ang gantimpala nito ay ang Paraiso

    Sinabi niya ﷺ: "Ang katanggap-tanggap na Hajj ay walang gantimpala maliban sa Paraiso." (Al-Bukhari: 1773 – Muslim: 1349). At ang mga kabutihan na ito at ang iba pa ay para lamang sa sinumang naging totoo at wasto ang kanyang hangarin, at naging dalisay ang kanyang mga lihim, at naging tama ang kanyang pagsunod sa Sugo ng Allah ﷺ.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit