Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang paraan ng Hajj
Ang hajj ay may tatlong Uri at ito ay: Ang tamatto', Ang Qirãn, at ang Ifrãd, at malayang pumili ang nagha-hajj ng isa sa tatlong mga ritwal na ito upang isagawa niya ang kanyang hajj sa pamamagitan nito.
Isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: Lumabas kami kasama ng Sugo ng Allah ﷺ, at sinabi niya: "Sinuman sa inyo ang magnanais na pumasok sa ritwal ng hajj at umrah ay gawin niya, at ang sinumang nais na pumasok sa ritwal ng hajj ay gawin niya, at ang sinumang nais na pumasok sa ritwal ng Umrah ay gawin niya", (Muslim 1211).
Ang tamatto'
Ang paraan ng tamatto': ito ay ang pag-iihram (pagpasok sa kalagayan ng ihrãm) sa Umrah sa mga buwan ng hajj, at sasabihin niya sa pag-iihrãm niya: (Labbaika-Allahomma Umratan mutamatti'an bihã ilal hajj) at pagkatapos na maisagawa ang umrah at natapos na ito, magtahallol (lalabas na sa kalagayan ng ihram) siya at malaya siyang magsaya sa lahat ng mga ipinagbawal sa kanya noong siya ay nasa kalagayan ng ihrãm, pagkatapos ay mag-ihrãm siya ulit sa hajj sa ikawalong araw ng zul-hijjah sa makkah, at magpatuloy siya sa kalagayan ng ihrãm hanggang sa makabato siya sa jamratul 'aqabah sa araw ng Eid, at obligado sa kanya na magkatay ng hadyi (tupa na kakatayin bilang handog) ng tamatto', sinabi ng Allah: {... ang sinumang nagsagawa ng `umrah na pinasusundan ng ḥajj ay [mag-aalay ng] anumang madaling nakamit na handog} [Al-Baqarah: 196].
Ang Qirãn
Ang paraan ng Qirãn: ito ay ang pag-iihrãm sa umrah at hajj nang magkasama, at sasabihin niya sa kanyang pag-ihrãm: (Labbaika-Allahomma umratan wahajjan), pagkatapos pag dumating na siya sa makkah ay magtawaf siya (umikot siya sa palibot ng ka'bah) ng tawaf al-qudoom (tawaf ng kanyang pagdating), at obligado sa kanya ang isang beses na pag-sa'ye (paglakad sa pagitan ng Shafa at marwah), maari niya itong unahin pagkatapos ng tawaf al-qudoom o ipagpaliban niya sa pagkatapos ng tawaf al-ifãdha, at hindi niya aahitin ang kanyang buhok at hindi siya lalabas sa kalagayan ng ihrãm, bagkus mananatili siya sa kanyang ihrãm hanggang sa makabato siya sa jamratul 'aqabah sa araw ng pagkatay at mag-ahit siya ng buhok. at obligado rin sa gumawa ng pinagsamang umrah at hajj ang pagkatay ng hadyi (kinakatay na tupa bilang alay).
Ang ifrãd
Ang paraan ng ifrãd: ito ay ang pag-iihram sa hajj lamang. at sabihin niya sa kanyang pag-ihram: (Labbaika-Allahomma hajjan), pagkatapos ay kapag dumating na siya sa makkah magtwaf siya ng tawaf al-qudoom, at obligado sa kanya ang isang beses na pagsa'ye, maari niya itong unahin pagkatapos ng tawaf al-qudoom O ipagpaliban niya sa pagkatapos ng tawaf al-ifãdha, at hindi niya aahitin ang kanyang buhok at hindi siya lalabas sa kalagayan ng ihram (tahallol), bagkus mananatili siya sa kanyang ihrãm hanggang sa makabato siya sa jamratul 'aqabah sa araw ng pagkatay at mag-ahit siya ng buhok, at hindi obligado sa mufrid ang hadyi (pagkatay ng tupa bilang handog).
Dapat sa isang muslim na magsikap sa pagsasagawa ng hajj sa paraan ng pagha-hajj ng ating propetang si Muhammad ﷺ at ini-utos niya ito sa kanyang mga mararangal na kasamahan -kaluguran sila ng Allah-. isinalaysay ni jãbir -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: nakita ko ang propeta ﷺ na bumabato (sa jamarat) habang siya ay nakasakay sa kanyang kamelyo sa araw ng pagkatay, at sinabi niya: "kunin ninyo ang paraan ng pagha-hajj mula sa akin (mga alituntunin at paraan na ginawa ko sa paghajj, at gawin ninyo iyon), dahil hindi ko alam baka hindi na ako makapaghajj ulit pagkatapos ng paghajj ko na ito", (Muslim 1297).
Pag dumating na ang nagha-hajj sa meeqãt at nais niyang mag-ihrãm para sa hajj, Ang ipina-uutos ay hubarin niya ang kanyang damit, at maligo siya, maglagay ng pabango sa kanyang ulo at balbas, at isuot niya ang damit ng ihrãm, pagkatapos ay magdasal siya ng obligadong salah kung natataon sa oras ng obligadong salah, at kung hindi naman ay magdasal siya ng dalawang rak'ah kung nais niya na ang kanyang layunin dito ay sunnah ng wudo.
Pagkatapos niyang magdasal ay mag-ihrãm siya at tukuyin niya ang kanyang layunin sa pagpasok sa ritwal na kanyang nais sa kanyang puso pagkatapos:
pagkatapos ay paramihin niya ang pagtalbiya sa pagsabi ng: "labbaika-allahomma labbaik, labbaika lã shareeka laka labbaik, innal-hamda wan-ni'amata laka wal-mulk lã shareeka lak", palakasin ng lalaki ang kanyang boses sa pagbigkas no'n, at ang babae ay bigkasin niya ito ng hindi masyado malakas, na ang makarinig lang ay kung sinong babae ang katabi niya, at hindi marinig ng mga lalaki, at iwasan niya ang mga ipinagbabawal habang siya ay nasa kalagayan ng kanyang ihram.
kanais-nais sa nagha-hajj na maligo sa pagpasok sa makkah, pagkatapos ay pumunta ang nagha-hajj sa masjidil harãm (sagradong mosque) upang isagawa ang umrah kung siya ay mutamatti', at kanais-nais sa Qãrin at mufrid na magsagawa ng tawaf al-qudoom.
pag pumasok na sa masjidil harãm ay unahin niya ang kanyang kanang paa at bigkasin niya ang du'a sa pagpasok sa mosque, at pag dumating na sa ka'bah itigil na ang talbiya bago mag-umpisa sa pagtawaf, at kanais-nais sa lalaki ang idh'tibã', ito iyong gawin niya ang gitna ng kanyang pang-itaas na damit na nasa ilalim ng kanyang kanang kilikili at ang magkabilang dulo nito ay sa ibabaw ng kanyang kaliwang balikat.
pagkatapos ay tumungo siya sa hajar al-aswad (itim na bato) para umpisahan ang tawãf, at hipoin niya ng kanyang kanang kamay ang bato at halikan niya ito, at kung hindi ito madaling gawin ay humarap lamang siya sa bato at itaas niya patungo doon ang kanyang kamay (at sabihin niya ang: bismillah, Allaho akbar), at gawin niyang nasa bandang kaliwa niya ang ka'bah at umikot siya ng pitung beses sa palibot nito, at tumakbo siya sa unang tatlong ikot, at ang pagtakbo ay: ang pagmamadali sa paglakad na pinapaikli ang pagitan ng mga hakbang.
pag dumating siya sa ruk'n al-yamãni ay hawakan niya ito ng hindi na hahalikan ang kamay, at kung hindi naman maging madali sa kanya ang paghawak nito, huwag niya itaas dito ang kanyang kamay, at sabihin niya sa pagitan ng ruk'n al-yamãni at itim na bato: (rabbanã Ãtinã fid-dunyã hasanah wafil-Ãkhirati hasanah waqinã 'Azãban-nãr).
at sa bawat pagdaan niya sa hajarul asawad (itim na bato) ay sabihin niya ang Allaho Akbar, at magbigkas siya habang siya ay nagtatawaf ng anumang nais niyang mga panalangin o pagsasangguni, at pagbabasa ng qur'ãn.
at pag natapos na niya ang pitong beses na pag-ikot ay ibalik na niya ang kanyang damit sa taas ng kanyang balikat, at tumungo siya sa likod ng maqãm ibrãhim kung ito ay madali sa kanya o kahit saan na lugar sa mosque, at magdasal siya ng dalawang rak'ah, bigkasin niya sa unang rak'ah pagkatapos ng fãtihah ang: {Qul yã ayyuhal kãfiroon...} at sa ikalawa: {Qul huwa-llãho ahad} pagkatapos ng fãtihah.
pagkatapos ay lumabas siya papunta sa mas'ã, at kapag malapit na siya sa Shafã' bigkasin niya ang: {Innash-shafã' wal-marwata min Sha'ã-irillah} at sabihin niya: Abda-o bimã bada-Allaho bihi (mag uumpisa ako kung saan inumpisahan ng Allah (ang pagbanggit nito).
Sisimulan niya ang Sa'ye sa Shafã' pagkatapos ay aakyat siya sa Shafã' at humarap sa ka'abah, itaas niya ang kanyang dalawang kamay at purihin niya ang Allag at manalangin siya, at ang dalangin ng propeta ﷺ: "Laa ilaaha illallaho wahdaho laa shareeka laho, lahol mulk walahol hamd wahowa 'alã kulli shay-in qadeer, laa ilaaha illallaho wahdaho, anjaza wa'adaho, wanashara 'abdaho, wahazamal ahzãba wahdaho", pagkatapos ay manalangin siya ng anumang nais niya, at ulitin niya ng tatlong beses.
pagkatapos ay Bababa siya mula sa Shafã' patungo sa marwah, at maglakad siya hanggang sa makarating siya sa dalawang tanda at ito ay ang mga ilaw na berde na nasa itaas ng mas'ã at kanais-nais sa lalaki na tumakbo ng mabilis na takbo sa abot ng kanyang makakaya, ngunit ang mga babae ay hindi ipinag-utos sa kanya ang pagmamadali sa pagitan ng dalawang tanda, bagkus maglalakad siya sa buong pag-sasa'ye niya.
pagkatapos ay magpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa marwah at aakyat siya dito, at humarap siya sa Qiblah at itaas niya ang kanyang dalawang kamay at bigkasin niya kung ano ang sinabi niya sa Shafã' bukod sa talata dahil hindi na niya iyon bigkasin, at hindi na rin niya sabihin ang: mag-uumpisa ako sa kung saan nag-umpisa ang Allah (abda-o bimã bada-a-llaho bihi).
pagkatapos ay Bababa siya mula sa marwah at maglalakad siya papunta sa Shafã', hanggang sa kapag dumating siya sa dalawang tanda ay tumakbo siya, at gawin niya sa shafã kung ano ang ginawa niya sa marwah, at ganyan lang hanggang sa matapos niya ang pitong pag-ikot, ang pagpunta niya ay isang ikot, at ang pagbalik niya ay isang ikot, at kanais-nais na magparami siya ng pagsasangguni sa Allah habang siya ay nagsa-sa'ye at panalangin sa kung ano ang madali sa kanya, at kanais-nais din na siya ay malinis mula sa dalawang hadath, ang malaki at maliit.
at ang mutamatti' (nag-umrah ng sinundan sa hajj) ay obligado sa kanya ang dalawang beses na pagsa'ye, sa'ye ng umrah at sa'ye ng hajj, tungkol naman sa Qarin (pinagsama ang umrah at hajj) at mufrid (hajj lamang) ang obligado sa kanila ay iisang sa'ye lang. maaari niya itong unahin pagkatapos ng tawaful qudoom, o ipagpaliban pagkatapos ng tawãful ifãdha.
Kapag natapos na ng nagha-hajj ang sa'ye ay ahitin niya ang kanyang buhok O gupitin niya, kapag siya ay mutamatti' ang pag-ahit ay mas mainam para sa lalaki, at kung pinutulan lang niya (pagkatapos ng umrah) at iniwan niya ang pag-ahit para sa hajj ay mas mabuti, at ang babae ay titiponin niya ang kanyang buhok at putulan niya ito ng katumbas ng isang pulgada, kapag ginawa iyon ng mutamatti' ay nakompleto na niya ang kanyang umrah at ipinahintulot na sa kanya ang lahat ng bawal sa naka-ihrãm, ngunit kung siya ay mufrid O Qarin ay hindi muna niya ahitin ni gupitin ang kanyang buhok pagkatapos ng sa'ye at mananatili siya sa kanyang ihrãm.
Ang araw ng tarwiyah ay ang ikawalong araw ng zul-hijjah, at mag-uumpisa dito ang mga gawin sa hajj, ang sinumang mutamatti' ay mag-iihram sa umaga ng araw na iyon sa lugar kung saan siya naroroon, kaya maliligo siya at maglagay ng mga pabango at isuot niya ang kanyang ihrãm at magsalah, pagkatapos ay tukuyin niya ang kanyang layuning paghajj at magtalbiya siya at sabihin niya ang: Labbaika-allahomma hajjan, tungkol naman sa mga Qarin at mufrid ay nanatili parin sila sa kanilang unang ihrãm, pagkatapos ay lalabas ang nagha-hajj papunta sa mina bago magtanghali, manatili at magpalipas siya ng gabi dito, kaya dito siya magdarasal ng Zuhr, ashr, magrib at 'Isha', at paikliin niya ang mga apatan (apat na rak'ah) ng hindi pagsamahin ang dalawang salah, at dito rin siya magdasal ng fajr ng ikasiyam na araw, at punoin niya ang kanyang oras sa pagpaparami ng talbiya at pagsasangguni at pagbabasa ng Qur'ãn.
pagsikat ng araw sa araw ng 'arafa, at ito ay ang ikasiyam na araw sa zul-hijjah, aalis ang nagha-hajj mula sa mina papunta sa 'arafa ng mahinahon at tahimik na sumasangguni sa Allah at nagtatalbiya, at kanais-nais na bumaba muna siya sa namirah hanggang sa hindi lilihis ang araw mula sa tanghaling tapat kung iyon ay madali sa kanya, at kung hindi naman ay puwedi siyang pumasok kaagad sa 'arafah at walang problema, at paglumihis na ang araw, magdasal siya ng zuhr at ashr ng paiikliin at pagsamahin sa unang oras (sa oras ng zuhr), pagkatapos noon ay ilaan niya ang kanyang oras para sa pag-alaala sa Allah, pananalangin, at pagsusumamo sa Allah na Makapangyarihan sa lahat, at ipagdasal niya ang kahit na anong gusto niya habang nakataas ang dalawang kamay at nakaharap sa Qiblah.
Isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "Walang araw na higit na nagpapalaya ang Allah dito ng isang alipin (tao) mula sa apoy (sa impiyerno) maliban sa araw ng 'arafah, at siya ay lalapit at ipagmamalaki niya sila sa mga anghel, at sabihin niya: ano ang mga ninanais nila?" (Muslim 1348).
At ang oras ng pagtigil sa 'arafah ay magsisimula sa paglihis ng araw mula sa tanghaling tapat, at kapag lumubog na ang araw maglalakad ang mga nagha-hajj papunta sa muzdalifah, at sinumang nahuli sa oras na ito, at naabutan pa niya ang pagtigil sa 'arafah bago ang pagdarasal ng fajir sa ikasampong araw -kahit saglit lang- ay nakaabot pa siya sa hajj at tinatanggap ang kanyang pagtigil, ngunit ang sinumang nahuli at hindi na niya naabutan ang pagtigil sa arafah bago ang fajir ay hindi na niya nahabol ang hajj.
Kapag dumating ang nagha-hajj sa muzdalifah magdasal siya ng magrib at 'isha ng paiikliin at pagsasamahin sa pamamagitan ng isang azãn (tawag ng pagdarasal) at dalawang Qamat, at doon magpalipas ng gabi sa muzdalifah, at kapag lumitaw na ang bukang-liwayway ay magdasal siya ng fajir , pagkatapos ay mananatili siya sa pag-alaala sa Allah at pananalangin sa kanya na nakaharap sa Qiblah na nakataas ang dalawang kamay, hanggang sa lumiwanag na talaga.
Kapag lumitaw na ang liwanag ng umaga at masyado nang maliwanag sa ikasampung araw sa zul-hijjah tutungo ang nagha-hajj sa mina bago sumikat ang araw, at mamumulot siya ng maliliit na bato habang siya ay naglalakad, Pitong maliliit na bato na mas malaki ng kaunti kaysa sa chickpea, at kapag dumating siya sa mina; batuin niya ang jamratul 'aqabah, ito iyong pinakahuli na kasunod ng makkah ng pitong bato, at sibihin niya ang Allaho Akbar sa bawat pagbato niya, pag natapos na niya ang pagbato; katayin na niya ang kanyag hadyi, pagkatapos ay ahitin o gupitin niya ang kanyang buhok sa ulo, tungkol naman sa babae ay kukuha lang siya sa dulo ng kanyang buhok ng katumbas ng isang pulgada, at kanais-nais sa nagha-hajj na maglinis pagkatapos ay Bababa siya sa makkah at magtawaf siya ng tawaf al-ifãdha -at ito ay isa sa mga haligi ng hajj- at magsa'ye siya para sa hajj, pagkatapos ay babalik siya sa mina at doon siya matulog sa gabi ng ikalabing isang araw.
Obligado sa nagha-hajj sa ayyãmot-tashreeq na matulog siya sa mina sa gabi ng ikalabing-isa, at ikalabing-dalawang araw, at matulog siya sa ikalabing-tatlo kung nais niyang magpaliban, at bumato siya sa tatlong jamarãt paglihis ng araw mula sa tanghaling tapat (sa ikalabing tatlong araw ng zul-hijjah).
Paraan ng pagbato sa jamarãt
Batuin niya ang unang jamrah; ito iyong kasunod ng masjid al-kheef ng pitong maliliit na bato, magkasunod-sunod, isa pagkatapos ng isa, at tumakbeer (Allaho akbar) siya sa bawat bato, pagkatapos ay lumakad siya nang kaunti at manalangin siya ng mahabang panalangin sa anumang gusto niya, pagkatapos ay batuin niya ang nasa gitnang jamrah ng pitong bato na magkasunod-sunod, magtakbeer siya sa bawat bato, pagkatapos ay punta siya sa bandang kanluran at tatayo siya na nakaharap sa qiblah habang nakataas ang kanyang mga kamay at manalangin, pagkatapos ay batuin niya ang jamratul aqabah (pinakahuling jamrah) ng pitong bato na magkasunod-sunod tumakbeer siya sa bawat bato, pagkatapos ay umalis na siya at hindi na manalangin pagkatapos nito.
At kapag natapos na niya ang pagbato ng mga jamarat sa ikalabindalawang araw, kung gusto niyang magmadali ay lumabas siya mula sa mina, at kung nais naman niya na magpaliban ay matulog siya sa mina sa gabi ng ikalabintatlong-araw, at batuin niya ang tatlong jamarat paglihis ng araw mula sa tanghaling tapat tulad ng nauna, at ang pagpapaliban ay higit na mabuti.
Kung nais na niyang lumabas mula sa makkah pauwi sa kanyang bayan, huwag siyang lumabas hanggang sa hindi siya makatawaf ng tawaful wadã; at gawin niya na iyon na ang pinakahuling panahon niya sa ka'abah kung nais niyang bumiyahe para sa paglalakbay, isinalaysay ni ibn 'abbãs -kaluguran silang dalawa ng Allah- sinabi niya: sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "huwag umalis ang isang tao hanggang sa hindi niya magawang pinakahuling oras niya ay sa ka'abah". (muslim 1327), at mawawala ang pagka-ubligado ng tawaf na ito sa babae kung siya ay may regla.