Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang Pagsulat (pagtala) sa Sunnah at ang pinakamahalagang mga aklat nito
Binigyang halaga ng mga Iskolar ('Ulama') ng islam ang pagsulat (pagtala) sa Sunnah, kaya ginugol nila ang kanilang buhay sa pangangalaga nito, at pagtukoy sa tama nito mula sa mga mali nito, At pagpapaliwanag sa mga kalagayan ng mga tagapagsalaysay nito sa paraang walang katulad sa kasaysayan ng buong sangkatauhan,
Ang kahulugan ng pag-tatala sa Sunnah ng propeta
Ito ay pagsusulat at pagre-record sa lahat ng napatunayan mula kay propeta Muhammad ﷺ mula sa salita O gawa O pag-sang-ayun, at pagtipon niyaon sa mga Aklat at mga libro.
Dumaan ang proseso ng pagtatala ng Sunnah at pagsulat ng hadith ng propeta sa ilang mga yugto, Tulad ng sumusunod:
Ang Unang yugto:
Ang pagsusulat sa kapanahonan ng propeta ﷺ at ng kanyang mga kasamahan, at iyon ay sa unang siglo AH (After Hijra), at noon ipinagbawal ng propeta ﷺ ang pagsulat ng kanyang mga hadith sa simula ng islam, dahil sa pangamba na magkahalo sa Qur'ãn.
Isinalaysay ni abi sa'eed Al-khudri -kaluguran siya ng Allah- Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "huwag kayong magsulat ng mga nagmumula sa akin, Ang sinumang nagsulat mula sa akin bukod sa Qur'ãn ay burahin niya, magsabi (magsalaysay) kayo ng mga hadith galing sa akin at walang masama". Muslim (3004).
At ang mga hadith ng propeta ﷺ ay iniingatan (napapanatili) sa mga dibdib (sa pamamagitan ng pagsasaulo nito). at nangyayari ang pagpapakalat nito sa salita sa pamamagitan ng pag-uulat nito. pagkatapos ay ipinahintulot ng propeta sa ilang mga kasamahan niya ang pagsulat.
Isinalaysay ni Abdillah bin 'Amr -kaluguran silang dalawa ng Allah- sinabi niya: Isinulat ko noon ang lahat ng narinig ko mula sa Sugo ng Allah ﷺ na nais kong isaulo, at pinigilan ako ng mga Quraysh at sinabi nila: Isinulat mo ang lahat ng bagay na narinig mo! samantalang ang Sugo ng Allah ﷺ ay tao na nagsasalita sa galit at kasiyahan, kaya tinigalan ko ang pagsusulat. kaya nabanggit ko iyon sa Sugo ng Allah ﷺ, at Itinutok niya ang kanyang daliri sa kanyang bibig, at sinabi: "magsulat ka dahil sumpaman sa kanya na may hawak ng aking kaluluwa walang lumalabas dito maliban sa katotohanan". Abi dawod [3646].
At sa hadith ni Alwaleed bin muslim mula kay Al-Awzã'e Na si abi hurairah kaluguran siya ng Allah- ay nagsabi: noong ipinasakop ng Allah sa kanyang Sugo ﷺ ang makkah, tumayo siya (ang propet ﷺ) sa harap ng mga tao, pinuri niya ang Allah at pinasalamatan niya ito, [binanggit ni Abi hurairah ang khutba, pagkatapos ay sinabi niya:] at tumayo si abu Shãh -lalaki na taga yemen- at sinabi niya: Isulat niyo (Ang khutba na narinig niya sa propeta) para sa akin O Sugo ng Allah, kaya't sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Isulat niyo para kay abi Shãh", Sinabi ni Al-waleed; sinabi ko kay Al-Awzã'e: Ano ang kanyang sinabi: magsulat kayo para sa akin O Sugo ng Allah? sinabi niya: ito iyong khutba (sermon) na narinig niya mula sa Sugo ng Allah ﷺ", Al-Bukharie (2434), at Muslim (1355).
Ang Ikalawang yugto:
Ang pagtatala ng hadith sa mga huling kapanahunan ng mga Tãbi'een, sa Ikalawang siglo AH (After Hijra), at nakilala ang pagsusulat na ito sa pangkalahatang pagtatala sa Sunnah ng propeta, subalit walang tiyak na maayus na pagkakasunod-sunod ito, at pinakaunang nagbigay halaga niyaon ay ang pinuno ng mga mananampalataya na si Omar bin Abdil-aziz -kaawaan siya ng Allah, at inutosan niya ang dalawang Imam na si ibn Shihãb Az-Zuhri at aba bakr bin hazm sa pagtipon ng Sunnah, at naisulat ito sa iba't ibang lugar: "tingnan ninyo ang hadith ng Sugo ng Allah at tiponin niyo at itago ninyo (isaulo ninyo); dahil tunay na ako ay nangangamba sa pagkawala ng kaalaman at pagkawala ng mga Ulama' (iskolar)".
at ang unang sumulat (nagtala) ng hadith sa kanyang utos ay si Al-Imam Az-Zuhri -kaawaan siya ng Allah-, at iyon ang simula ng pagtatala sa Sunnah at mga hadith sa pangkalahatan.
Ang pagbuo ng Sunnah sa hugis ng mga aklat (libro) na naayus ang pagkakasunod-sunod, maaaring sa paraan ng mga Kabanatang pang-agham, tulad halimbawa ng (kabanata ng) Al-Imãn, Al-'Ilm, At-Tahãrah, Ash-Shalãh at iba pa, o di-kaya'y sa pamamagitan ng pinanggalingan nito, -tulad halimbawa- banggitin nila ang mga hadith na dumaan kay abi bakr mula sa propeta, pagkatapos ay kay Omar, at ganyan.
At sa yugtong ito, naisulat ang: Muwatta' ni imam Mãlik bin anas -kaawaan siya ng Allah, at nakilala ang yugtong ito sa pagsasaayus at pagtukoy (pagbukod) sa mga salita ng propeta ﷺ mula sa mga salita ng kanyang mga kasamahan at ng mga tãbi'een, at ang kanilang mga fatwa.
Ang yugto ng pag-bubukod sa hadith ng Propeta ﷺ sa pamamagitan ng pag-uuri (pagsulat nito sa iisang libro na walang ibang salita bukod sa hadith), pagkolekta nito at pag-ayus ng pagkakasunod-sunod nito na walang nakahalong mga salita ng mga Shahaba at ng mga tãbi'een- maliban sa kakaunti lamang na kinakailangan, at ang yugtong ito ay nag-umpisa kasabay ng pag-umpisa ng ikatlong siglo AH. at isa sa pinaka kilalang naisulat dito: ang musnad ni imam Ahmad, at musnad ni al-humaidi, at iba pa.
Pagkatapos ay naabot ng pagtatala ng hadith ang layunin (ang pinakahangganan) nito sa kalagitnaan ng ikatlong siglo AH, kung saan isinulat ni imam al-bukharie ang libro na Shahih al-bukharie, at si imam Muslim ang libro na Shahih Muslim, at naisulat din ang mga Sunan: Sunan Abi dãwod, At-tirmizie, An-Nasa-e, at ibnu mãjah. at ang sunan ni Ad-Dãrimi, at iba pa na mga kilalang libro.
Nakilala mula sa maraming mga Aklat ng Sunnah ng propeta ang anim na mga aklat, at ito ay: Shahih Al-Bukharie, at Shahih Muslim, at gayundin ang Sunan Abi Dãwod, ibnu Mãjah, An-Nasa-e, at At-tirmizie.
Gayundin na naging tanyag rin mula sa mga aklat ng Sunnah ang Sunan Ad-Dãrimi, at Musnad Al-Imãm Ahmad, At Muwatta' Al-Imãm Mãlik.
Ang pag-alam sa mga Anim na Aklat
Kabilang sa mga pinakatanyag na aklat ng Sunnah, na sinalubong ng mamamayan sa pagtanggap,
1. Ang Shahih Al-Bukharie (D 256H)
At ito ay isa sa mga aklat na saklaw ang lahat, na tinipon ang lahat ng umabot na hadith ng Sugo ng Allah ﷺ sa nagtala, sa mga paniniwala, mga gawaing pagsamba, mga transaksyon, mga labanan, mga tafseer (paliwanag sa Qur'ãn), at mga mabubuting gawain. at siya ay nakatuon dito sa mga tumpak (mga napatunayan na hadith). at ito ang pinaka tumpak na aklat pagkatapos ng banal na Qur'ãn.
2. Shahih Muslim (D 261H)
At gayundin na ito ay isa rin sa mga aklat na sumasaklaw sa lahat, at nakatuon din ang taga-tala nito sa mga tumpak (na hadith), subalit ang kanyang mga kundisyon sa pagsusuri sa kanya ay mas madali kaysa sa mga kundesyon ni Al-Bukharie, at ito ang ikalawang aklat pagkatapos ng aklat ni Al-Bukharie.
3. Sunan Abi Dãwod (D 275H)
at ito ay isa sa mga aklat ng Sunan na pinagsunod-sunod ng mga may akda nito sa mga kabanata ng fiqh (jurisprudence), at tinipon niya sa kanyang aklat ang Shahih (tumpak) at Hasan (magandang hadith). at hindi siya naglagay ng mahina (na hadith) maliban sa bahagya.
4. Sunan At-Tirmizie (D 279H)
at ito ay isa sa mga aklat na sakop sa lahat na tinipon ang lahat ng dumating sa may akda mula sa mga hadith ng Sugo ng Allah ﷺ sa mga Aqeedah (paniniwala), mga transaksiyon, mga labanan, tafseer at ang mga mabubuting gawain, ngunit hindi siya nagtuon dito sa mga tumpak, kaya may tumpak (na hadith), mabuting hadith, at mahinang hadith.
5. Sunan An-Nasã-e (D 303H)
at gayuundin sa mga kabanata ng Fiqh (jurisprudence), at mayroon ding tumpak, mabuti, at mahina.
6. Sunan ibn Mãjah (D 273H)
At gayun din sa mga kabanata ng Fiqh (jurisprudence), at may tumpak, mabuti, at mahina, at ang ilang mahina ay hindi tinatanggap.
Sinabi ni Imam Al-Hafiz Abu Al-Hajjaj Al-Muzzi ((namatay noong 742 AH):
"At tungkol naman sa Sunnah, Ang Allah ay my pinatnubayan para diyan na mga Huffãz na maalam, Mga henyong iskolar, at mga tagasuri na nagpapatuwid, inaalis nila mula dito ang pagbabaluktot ng mga nagmamalabis, pagpapanggap ng mga naninira, at paliwanag ng mga mangmang, kaya Iniba-iba nila ang klasipikasyon nito, pinagsikapan nila ang pagtatala nito sa maraming lugar, At maraming uri, Upang mapangalagaan ito at sa takot na mawala ito, at isa sa pinakamaganda ang pagkaklasipika at Ang pinakamahusay na nakasulat, pinakatama at pinakakaunti nito ang mali, pinakamalaki ang pakinabang, pinakamarami nito ang aral, pinakamalaki nito ang pagpapala, pinakamagaan ang gasto, at pinakamaganda ang pagtanggap sa sumasang-ayun at sa mga sumasalungat, pinakadakila nito ang kinalalagyan sa mga partikular at sa pangkalahatan: "Shahih Abi abdillah Muhammad bin ismãel Al-Bukharie", pagkatapos ay ang: "Shahih Abi Al-husain Muslim bin hajjãj An-Naisãbori", pakapos ng dalawa ay ang aklat ng Sunan: "kay Abi Dãwod sulaimãn bin Al-Ash'ath As-Sajistãni, pagkatapos ay ang aklat na "Al-Jãmi' "kay Abi 'Isa Muhammad bin 'Isa At-Tirmizie, pagkatapos ay ang aklat ng "Sunan" kay Abi abdir-Rahmãn Ahmad bin Su'aib An-Nasã-e, pagkatapos ay ang aklat na "Sunan" kay Abi Abdillah Muhammad bin yazid Na kilala bilang si Ibn mãjah Al-Qazwainie kahit na hindi umabot ang kanilang antas.
At ang bawat isa dito sa "mga anim na aklat" ay may katangian na alam ng mga nagtataglay ng ganitong bagay, Kaya ang mga aklat na ito ay naging tanyag sa mga tao At kumalat sa mga bansa ng Islam, at lumaki ang pakikinabang dito at nagsikap ang mga mag-aaral ng kaalaman na makamit ito", Tahzibul kamãl [1/147].
Maaari sa isang mulim na malaman ang antas ng hadith kung ito ba ay tumpak na tinatanggap O mahina na hindi tinatanggap sa pamamagitan na pagtungo sa mga Iskolar na nagbibigay halaga sa kaalaman ng hadith at mga espesyalista nito, dahil tunay na pinag-aralan nila ang mga hadith mula sa aspeto ng kalagayan ng Sanad (pagkasunod-sunod ng nagparating nito) at sa mat'n (Ang laman ng hadith "salita ng propeta). at sa aspeto ng pagiging tanggap nito at hindi pagtanggap nito.
At Maraming mga libro ang nakasulat at inuri dito, Mayroon ding maraming mga aplikasyon at mga pinagkakatiwalaang online platform na tumutulong sa pagtukoy sa mga hadith na tumpak mula sa mga hadith na mahina.
Isa sa mga application at Online platform na tumutulong upang malaman ang antas ng mga hadith
Ang Modern Encyclopedia sa website ng Al-dorar As-Sunniyyah na naglalaman ng daanglibong mga hadith, kasama ang mga kalagayan ng mga taga-ulat nito, mula sa (mga sinauna at mga huli at kasalukuyan), at maaari itong mabuksan sa pamamagitan ng link: https://dorar.net/hadith