Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang pakikitungo ng Muslim sa epidemya
Naniniwala kami sa tadhana (itinakda) mabuti nito at masama nito, dahil ito ay isang haligi mula sa mga haligi ng pananampalataya, At lahat ng nangyayari sa mga tao na mga sakuna, mga sakit, mga kababalaghan at kalamidad, ay dahil sa tahana at itinakda ng Allah; kaya nalulugod na kami sa itinadhana ng Allah at hindi kami nagagalit, nagrereklamo o nataranta, sinabi ng Allah: {Walang tumama na anumang kasawian malibang ayon sa pahintulot ng Allāh. Ang sinumang sumasampalataya sa Allāh ay magpapatnubay Siya sa puso nito. Ang Allāh sa bawat bagay ay Maalam} [At-Taghābun: 11].
Ang mananampalataya ay naniniwala na ang mga sakit ay hindi nakakahawa dahil sa sarili nitong lakas. Bagkus dahil sa kapahintulutan at tadhana ng Allah, Gayunpaman, inutusan kaming kunin (o sundin) ang pisikal na kadahilanang pangkalusugan at pang-iwas, sa pamamagitan ng paglayo sa mga nagiging dahilan ng mga sakit at sa mga lugar na may Epidemya, at pag-iwas at pag-ingat sa pamamagitan ng hindi pakikihalubilo sa mga pasyente, Sinabi niya ﷺ: " "Walang pagkahawa, walang [masamang pangitain sa] ibon, walang [masamang pangitain sa] kuwago, at walang [masamang pangitain sa buwan ng] Ṣafar, at Tumakas ka sa ketongin (may sakit na ketong) gaya ng pagtakas mo sa isang leon". (Al-bukharie 5707).
Ang mga sakit na epidemya ay isang madaliang parusa mula sa Allah na Makapangyarihan sa lahat para sa mga walang pananampalataya at mga mapagkunwari, At habag ito sa mga mananampalataya, upang itaas ang kanilang mga antas at mapatawad ang kanilang mga kasalanan, Sinabi ng Propeta ﷺ kay 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah noong tinanong siya nito tungkol sa Salot "Ito ay isang parusa na ipinapadala ng Allah sa sinumang Kanyang naisin, At ginawa siyang habag ng Allah sa mga mananampalataya, Walang sinuman na dinapuan ng Salot, pagkatapos ay nanatili siya sa kanyang bayan na nagtitiis at umaasa ng gantimpala, nababatid niya na walang tatama sa kanya maliban kung ano ang isinulat (itinakda) ng Allah sa kanya, Maliban sa makakamit niya ang katumbas ng gantimpala ng isang shaheed (napatay sa pakikipaglaban sa landas ng Allah)" (Al-bukharie 3474).
Nararapat sa isang muslim sa ganitong panahon na sumunod sa mga payo ng mga opisyal na awtoridad, at tanggapin ang responsibilidad sa pamamagitan ng pag-una sa pangkalahatang kabutihan kaysa sa indibidwal na kabutihan, At pagtutulungan sa anumang magtiyak ng katatagan at pagbabalik ng buhay sa normal nitong kalagayan, sinabi ng Allah: {...at Magtulungan kayo sa pagpapakabuti at pangingilag magkasala at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at paglabag...} [Al-Mā’idah: 2].
Mga ipinagbabawal sa panahon ng mga Epidemya
Walang pag-aalinlangan na ang pagpapakalat ng mga tsismis ay kabilang sa pagsisinungaling na ipinagbabawal, gayun din na nagpapakalat ito ng pangamba sa pagitan ng mga tao, Mahalagang maging maingat na huwag magpasa ng anumang hindi na-verify na impormasyon, sinabi ng Allah: {Kapag may dumating sa kanilang isang usapin ng katiwasayan o pangangamba ay nagpapatalastas sila nito. Kung sakaling sumangguni sila nito sa Sugo at sa mga may kapamahalaan kabilang sa kanila ay talaga sanang nakaalam dito ang mga naghihinuha nito kabilang sa kanila...} {An-Nisã': 83].
Ipinagbabawal ng Islam ang monopolyo at pandaraya, at Pagtaas ng presyo at pagmamanipula sa kabuhayan ng mga tao, Lalo na sa panahon ng krisis, Ito ay kabilang sa pagkain ng pera sa hindi tamang paraan, pagtataksil at pag-aaksaya ng tiwala, at pagpapawalang halaga sa sarili, sinabi niya ﷺ: "Sinumang magmonopoliya ng isang pagmomonopolyo na may layuning gamitin ito upang pataasin ang halaga (ng mga bilihin) sa mga Muslim, kung gayon siya ay mali", (Al-musnad 8617).
Ang sadyang pagpapakalat ng nakakahawa na sakit mula sa taong may sakit patungo sa walang sakit sa kahit anung larawan ng pananadya ay isang ipinagbabawal na gawain, at Ito ay itinuturing na isa sa mga malalaking kasalanan at maling gawain, Nangangailangan din ito ng makamundong kaparusahan, Ang parusang ito ay nag-iiba ayon sa bigat ng ginawa, epekto nito sa mga indibidwal at epekto nito sa lipunan.
Ang parusa sa sinumang nananadya na ikalat ang nakakahawang sakit sa iba:
4- Ang pagmumura (pagsumpa) sa sakit:
Ipinagbabawal ng propeta ﷺ ang pagsumpa sa lagnat, batay sa salaysay ni jãbir bin Abdillah -kaluguran silang dalawa ng Allah-, Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi kay umm As-sã'ib: "huwang mong isumpa ang lagnat, dahil Inaalis nito ang mga kasalanan ng mga angkan ni Adan, tulad ng pag-alis ng bellow (gamit ng panday na pang-ihip ng apoy) sa kalawang ng bakal", (Muslim 2575).