Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Mga Alituntunin na may kaugnayan sa Epidemya
Pinahihintulutan ang pagpabakuna upang makaiwas bago dumapo ang sakit, At hindi nito naaalis ang pagtitiwala (pag-asa) sa Allah; batay sa sinabi ng Propeta ﷺ sa isang mapanaligang hadith: "Sinumang mag agahan bawat araw ng pitong Ajwa na datelis, Ay walang makakapinsala sa kanya sa araw na iyon na lason O salamangka", (Al-bukharie 5445. at Muslim 2047). at Ito ay upang pigilan ang salot bago ito mangyari.
Hinihimok ng Sharia (islam) ang mga tao na iwasan ang pakikipag-ugnayan ng mga malulusog na tao sa mga may sakit, sa katunayan sinabi niya ﷺ: "Huwag hawaan ng may sakit ang malusog". (Al-bikharie 5771, at Muslim 2221).
Kaya naman, pina-iiwasan ang pagpasok sa pasyenteng may nakakahawang sakit, Ngunit puweding bisitahin ang kanyang pamilya at tanungin sila tungkol sa kanyang kalagayan at ipagdasal siya at tulungan sa kanyang pagpapagamot, nang kung anong puweding itulong mula sa pera, kabutihan at iba pa, habang ginagawa rin ang mga dahilan nang pag-iwas sa pagkalat ng sakit.
Hindi pinahihintulutang pumasok sa bansang may salot, O lumabas mula rito, at nagpapatunay doon ang hadith ni abdir-Rahmãn bin 'Awf -kaluguran siya ng Allah- Na ang propeta ﷺ ay nagsabi: "kapag narinig ninyo ito sa (ibang) lugar, huwag ninyo itong puntahan, at kapag nangyari ito sa lugar kung saan nandoon kayo, ay huwag kayong lumabas upang takbuhan ito", (Al-bukharie 5729, at Muslim 2219) at ito ang napagkasunduan ng majority ng mga ulama, hindi pinahihintulutan na maglakbay sa bansa na may epidemiya O lumabas mula dito para takasan ang sakit.
Ang pagdarasal ng kongregasyon ay obligado para sa mga lalaki, Ngunit binanggit ng mga iskolar na ito ay mawawala sa pagiging obligado nito kung may lehitimong dahilan. nagpapatunay dito ang hadith ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- Na ang propeta ﷺ Nang siya ay nagkasakit hindi siya nagdarasal kasama ng mga Muslim at sinabi niya: "utosan niyo si abu bakr na mag imam (mamuno) sa pagdarasal ng mga tao". (Al-bukharie 664, at Muslim 418), kaya nagpapatunay iyon na ang mga muslim kapag may dahilan na pagkakaroon ng sakit O malinaw na paghihirap kung gayun pinahihintulan sa kanya ang pag-iwan ng pagdarasal ng kongregasyon sa mosque at pagdarasal na siya lang mag-isa.
Kanais-nais sa isang muslim na gumawa (o kumuha ng lugar) sa kanyang bahay ng mosque para sa Obligado (na pagdarasal) kapag nakaligtaan niya ito ng my dahilan, at para rin sa Sunnah, At ito ay isa sa mga turo (o gabay) ng propeta ﷺ. sa hadith ni 'itbãn bin mãlik -kaluguran siya ng Allah- na iniulat ni Muslim, Na binanggit niya sa Propeta ﷺ na malabo ang kanyang paningin (ibig sabihin: mahina ang kanyang mga mata), at ang mga baha kapag bumaba ay nagiging harang sa pagitan niya at ng kanya pamayanan ang isang lambak na hindi niya kayang pumunta sa kanilang musque dahil doon, kaya hiningi niya sa propeta ﷺ na bumisita sa kanyang bahay upang magsalah (magdasal) dito; nang magawa niya ang lugar na pinagdarasalan ng propeta ﷺ na lugar ng dasalan, kaya pumunta ang propeta ﷺ at nagdasal dito ng dalawang rak'ah.
at ganon din si maimonah -kaluguran siya ng Allah- may musque rin siya sa kanyang bahay, at si 'Ammãr bin yãsir may mosque rin siya sa kanyang bahay, Kaya dapat nating samantalahin ang mga kalamidad na ito at magkaroon ng mga mosque sa ating mga tahanan.
Ipinag-utos ang samasamang pagdarasal sa bahay sa sandaling hindi ito puweding gawin sa mosque, at makakamit din dito ang gantimpala ng kongregasyon na pagdarasal (sa mosque), at napatunayan ang pagdarasal ng samasama sa bahay sa karamihan sa mga Shahaba (mga kasamahan ng propeta), kagaya ni ibn mas-od at anas -kaluguran silang dalawa ng Allah- at iba pa sa kanilang dalawa sa sandaling nahuli sa pagdarasal ng Imam (namumuno sa pagdarasal).
Kapag nagdarasal ng samasama sa bahay; Ang may karapatan sa pamumuno sa pagdarasal ay ang may-ari ng bahay, at kung hindi niya pangunahan ang pamumuno sa pagdarasal ay iyong pinakamahusay sa pagbabasa ng aklat ng Allah ang papalit sa kanya, at kung magkakapareho naman sila, ang piliin ay yaong pinaka maalam sa mga alituntunin ng pagdarasal, at kung magkakapareho sila! ay yaong pinakamatanda sa kanila ang mamuno.
kapag nagdarasal ang Muslim sa kanyang bahay, kung ang ma'moom ay lalaki, Sunnah na tumindig siya sa bandang kanan ng imam kung siya ay mag-isa lang, at kung mas marami naman Ang Sunnah ay tumindig sila sa likod ng imam, at kung ang ma'moom ay babae Ang sunnah ay sa likod siya, at kung nagkasamasama ang mga bbae at mga lalaki, titindig ang mga lalaki sa likod ng Imam, at ang mga babae naman ay sa likod nila.
Ang mga makabagong usapin (kalamidad) na ito ay isang magandang pagkakataon upang maturuan natin ang ating mga pamilya ng paraan at mga kondisyon ng pagdarasal, at mga alituntunin ng paglilinis at kung ano ang mga dapat kasama nito, at magpapayuhan tayo kasama nila para dito.
Sunnah sa mga kababaihan ang Samasamang pagdarasal sa mga bahay, ayun sa napatunayan mula kay Ummi waraqah, 'Ãisha, at Ummi salamah -kaluguran sila ng Allah, At ang kanilang samasamang pagdarasal ay may kabutihan at gantimpala mula sa Allah, at ang mamumuno (imam) sa kanila ay tatayo sa gitna ng hanay.
Ipinagbabawal sa nagpositibo sa nakakahawang pandemiya na pumunta sa mga pagtitipon ng mga tao, Dahil iyon ay nakakapinsala sa mga tao, ang kataas-taasang Allah ay nagsabi: {Ang mga nananakit ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya ng walang karapatan (hindi sila gumawa ng kasalanan para sila ay gulohin) ay pumasan nga sila ng isang paninirang-puri at isang kasalanang malinaw} [Al-Ahzãb: 58].
at isa sa mga lehitimong naitatag na panuntunan ay: Walang pinsala at walang pamiminsala, kaya hindi puwedi sa sinumang nagpositibo sa sakit na ito Na makihalubilo sa mga malulusog at walang sakit na mga tao, sa katunayan sinabi niya ﷺ: "huwag hawaan ng may sakit ang mga malulusog". (Al-bukharie 5770, at Muslim 2221).
Kinamumuhian sa nagdarasal ang pagtakip ng kanyang bibig habang nagdarasal, sa katunayan ipinagbawal ng Propeta ﷺ ang ganon, subalit kung kinakailangan O takot sa kapinsalaan sa pagkakahawaan Ay magsuot na siya ng mga Face mask.
Kung ang panalangin ng kongregasyon ay nagambala, Ang mga alituntunin ng Araw ng Jumu'ah ay mananatili, kaya ipinag-utos sa pagdarasal ng faj'r (pagdarasal sa madaling araw) ang pagbabasa ng Surah As-sajadah at Al-Insãn, At pananalangin sa Oras ng pagtugon sa huling Oras pagkatapos ng Ash'r (pagdarasal sa hapon), at pagpaparami ng panalangin ng pagpapala para sa propeta ﷺ sa maghapon nito, at pagbabasa ng Surah Al-kahf; dahil ang pangunahin hatol dito ay ang pagkalehitimo ng mga alituntunin na ito, at pagiging hiwalay nito sa pagdarasal.
Ang pakikipagkamayan sa pamamagitan ng palad ay Sunnah, sinabi ng propeta ﷺ: "walang ni isa sa dalawang muslim na nagkasalubung at nagkamayan sila maliban sa patatawarin silang dalawa bago sila maghiwalay". (Abu dãwod 5212), ngunit kung natatakot ang Muslim na mahawaan sa pakikipagkamayan Ay sapat na ang pagbati ng As-salãm..., at Inaasahan na ang kanyang gantimpala ay maisulat para sa kanya, Sa kapahintulutan ng Allah.