Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Pamimigay

Aalamin natin sa aralin na ito ang konsepto o kahulugan ng Pamimigay, at ang ilang mga alituntunin na kaugnay nito.

  • Ang pag-alam sa kahulugan ng Hiba (pamimigay) at ang layunin dito.
  • Pag-alam sa mga islamikong batas na kaugnay sa pagmimigay.
  • Ang pag-uudyok sa pamimigay bilang paghahangad ng gantimpala mula sa Allah.

Katotohanan na Ang Allah -na kataas-taasan at kapitapitagan- ay mahabagin, gusto niya ang pagiging mabait at pagkabukas-palad, at ang Sugo ng Allah ﷺ ay siya ang pinakamabait sa mga tao, at siya ay tumatanggap ng handog (regalo) at nagbibigay siya ng gantimpala dito, at ipinapanalangin niya na tanggapin ito ng Allah, at ipinanghihikayat niya ito, at ang pagbibigay ang pinaka gusto niyang bagay ﷺ.

Ang kahulugan ng pamimigay

Ang Pagmamay-ari ng isang bagay nang walang bayad o kapalit nang agaran.

at sa sinabi namin na: Pagmamay-ari; ay nagpapahiwatig na Ang kasunduan ng pamimigay ay isa sa mga kasunduan ng pag-aari.

At ang tinutukoy sa Isang bagay: ay ang mismong bagay, at kasama dito ang mga kayamanan at iba pa.

At ang termino na "pag-aari ng isang bagay" ay inilabas niya ang "pamimigay ng mga pakinabang" sa dalawang dahilan:

١
Na ang pakinabang ay hindi matatawag na kayamanan ayun sa ilang mga iskolar.
٢
Na ang pamimigay ng mga pakinabang ay may partikular na termino ayun sa mga iskolar, at ito ay tinatawag na Pagpapahiram.

At nakalabas sa pamamagitan ng salitang "pagmamay-ari" ang pagkakapasok nito sa utang, at kahit na ito ay sa salitang pamimigay; dahil ang paglabas o pag-iwas ay itinuturing na pag-iwan (o pag-alis ng pananagutan).

At ginagamit ang salitang pamimigay sa Regalo at handog, at ang lahat ng mga salita na o gawain na ito ay kasama sa mga paraan ng pagpapakabuti at pagiging mabuti sa kapwa, at pagpapatuloy ng pagkakamag-anak,

Ang hatol sa pamimigay

Ang pamimigay ay kanais-nais; dahil sa napapaloob nito na pagpapalapit ng mga puso, at pagkamit na gantimpala at kabayaran, at pagkamit ng pagmamahalan at pagbibigayan, at tunay na nagpahiwating ang dakilang aklat (Qur'ãn) at ang marangal na Sunnah at napagkasunduan ng mga iskolar sa pagiging kanais-nais ng pamimigay.

Nag-uudyok ang islam sa pamimigay dahil sa napapaloob nito na pagdadalisay sa mga kaluluwa mula sa kasamaan ng pagiging madamot, pagiging kuripot at kasakiman, at ang napapaloob nito na pagpapalapit ng mga puso, at palakasin ang mga bigkis ng pagmamahalan sa pagitan ng mga tao, lalo na pag sa magkakamag-anak, magkapit bahay, at sa magkaaway, sapagkat maaaring magkaroon ng mga away, at mangyayari paglalayuan, mapuputol ang pagkakamag-anakan, kaya dumating ang pamimigay pagreregalo upang linisin ang mga puso, at alisin ang lahat ng anumang magiging dahilan ng pagkakawatak watak sa pagitan ng mga tao, at sinumang namigay ng isang bagay sa paghahangad ng kaluguran ng Allah tunay na siya ay makakamit ng kabayaran at gantimpala.

Isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: "Ang Sugo ng Allah ﷺ ay tumatanggap ng regalo at ginagantimpalaan niya ito". (Al-Bukharie 2585).

At isinalaysay ni Ibn abbãs -kaluguran silang dalawa ng Allah- sinabi niya: Ang Sugo ng Allah ﷺ ay pinakamabait na tao, at mas mabait siya kapag sa buwan ng Ramadan sa oras na nakaharap niya si anghel jibreel (gabrel), at lagi niyang nakikita si jibreel sa bawat gabi ng Ramadan at itinuturo sa kanya ang Qur'ãn, kaya ang Sugo ng Allah ﷺ ay higit na mahabagin at maawain at higit na mapagbigay at mapagbukas-palad kaysa sa hangin na ipinapadala na nagdadala ng Ulan". (Al-Bukharie 6, at Muslim 2308).

Mga Haligi ng Pamimigay

Nagkakasundo ang mga Ulama (iskolar) na ang Pag-alok ay isang haligi mula sa mga haligi ng pamimigay, at nagkakasalugat sila sa iba, sapagkat ang pagbigay ay nagaganap sa pag-alok lamang (at ito ay ang pag-alok ng anumang magpapahiwatig ng pagbigay mula sa nagbigay), ngunit hindi magiging pag-aari ng binibigyan ang isang bagay maliban sa pamamagitan ng pagtanggap at pagkuha nito, kaya ang pagtanggap at pagkuha ay mag-aayus ng resulta at hindi ang pakikipagkasundo.

Ang Mga kundisyon ng pamimigay

١
Na ang nagbibigay ay may kakayahan na magbigay.
٢
Na ang nagbibigay ay siya ang nagmamay-ari ng ibinibigay o pinahihintulutan siya dito sa pagbibigay.
٣
Na ang nagbibigay nalulugod o nasisiyahan, sapagkat ang pinipilit ay wala siyang anumang kailangan sa mga kasunduan.
٤
Isinasakundisyon sa binibigyan ang pagkakaroon ng kakayahan na magmamay-ari, at hindi pwede ang pagbigay para sa sinumang hindi pwedeng magmamay-ari, at ang pagkakaroon ng kakayahan ay sa pamamagitan ng pag-abot sa wastong idad at ang hindi pa umabot sa wastong idad ay tatanggapin ng kanyang tagapaga-alaga para sa kanya.
٥
Ang presensya ng binibigyan, sapagkat ang ibinibigay ay pagmamay-ari, at ang pagbibigay ng pag-aari sa wala ay ipinagbabawal.
٦
Isinasakundisyob sa binibigyan na ito ay isang tukoy, at kapag ang binibigyan ay hindi tukoy, gaya ng pagsabi ng nagbigay na: ibinigay ko ang bahay ko kay ginoo o sa kanyang kapatid, at ito ay salungat sa pagkawasto ng pamimigay ayun sa mga iskolar.
٧
Na ang ibinibigay mula sa mga bagay na pinahihintulutan ang pakikinabang nito, kahit na hindi ito pwedeng ibenta, dahil ang pagbibigay ay mas malawak kaysa sa pagtatawaran.
٨
Na ang ibinibigay ay naroroon, dahil ang pamamahala sa wala ay nakasalalay sa pagkakaroon nito, at pwedeng ibigay ang wala o hindi alam kung inaasahan ang pagkakaroon nito.

Nagkakasalungat ang mga pantas sa pagsasakundisyon ng pagiging Alam at hindi lingid ng ibinibigay, at sa pagsasakundisyon na ang ibinibigay ay nahahati at hindi buo.

Ang hatol sa pagbigay ng regalo at handug upang makuha ng pakinabang

Sinuman ang maghandug ng isang handug para sa isang opisyal o empleyado o iba pa; upang makakuha ng pakinabang na wala siyang karapatan dito, ito ay magiging haram (bawal) sa nagbigay at sa binigyan; dahil ito ay kasama sa panunuhol na isinumpa ang tumatanggap at nag-abot nito.

At kung binigyan niya ito ng isang regalo upang tumigil siya sa pang-aapi sa kanya, o upang ibigay niya sa kanya ang kanyang karapatan nararapat sa kanya, sagayun ang regalo na ito ay haram (bawal) sa tumanggap nito, ngunit pinahihintulutan ito sa nag-abot o nagbigay bilang pag-aalaga sa kanyang karapatan at pagpigil sa kasamaan ng tumanggap.

Ayon kay abi humaid Al-Sã'edie -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: Kumuha ng manggagawa ang Propeta ﷺ na isang lalaki mula sa angkan ni Asad na tinatawag siyang si Ibn Al-Utabiyyah para maghatid ng isang kawanggawa, at nang siya ay dumating, sinabi niya: Ito ay para sa inyo at ito ay para sa akin, kaya tumayo ang Propeta ﷺ sa mimbar (pulpito) at pinuri niya ang allah pagkatapos ay sinabi niya: "Ano ba ang iniisip ng manggagawa na inutusan namin at dumating siya na sinabi niya: Ito ay para saiyo at ito ay para sa akin, Bakit hindi nalang siya umupo sa bahay ng kanyang ama't ina, at maghintay kung bibigyan siya o hindi, Sumpaman sa kanya na mayhawak ng aking buhay, wala siyang ni isang bagay na kinuha maliban sa ilapit ito sa kanya sa kabilang buhay at ilagay ito o ipadala ito sa kanya sa kanyang leeg; kung ito ay isang kamelyo ay umuungol, at kung ito ay isang baka ay umuungol, at kung ito ay isang tupa ay umuungol din", pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang mga kamay hanggang sa nakita namin ang puti ng kanyang mga kilikili. "Ano! naiparating ko ba?" tatlong beses. (Al-Bukharie 7174, at Muslim 1832). Ang ungol ng baka sa arabik ay: Al-Khuwãr. Ang ungol ng kamelyo ay: Ar-Rugã'. at kulay puti na may halong kayumanggi ay tinatawag sa arabik na: Al-'Ufrah. at ang sumisigaw ng malakas na boses sa arabi ay: Tay'ar.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit